Chapter 10
NAGLALAKAD si Margaret palapit sa kanyang driver nang biglang sumulpot sa harapan niya si Esmeralda. Nginitian kaagad siya nito.
“Hi Margaret, natatandaan mo pa ba ako?” tanong nito sa kanya.
Kinalma ni Margaret ang sarili niya. “Oo natatandaan kita, ikaw si Esmeralda,” mahinahong sagot niya dito.
“Mabuti naman kung ganoon,” sabi nito.