“May kailangan ka ba sa akin?” mahinahong tanong niya dito.
             “Mabuti naman at ikaw na mismo ang nagtanong niyan. Oo may kailangan ako sa iyo Margaret. Gusto kong pag-usapan natin si Mike.”
      Pumayag si Margaret sa kagustuhan nito at sa isang restaurant na pinagdalhan sa kanya nito ay naupo silang magkaharap sa isang misa. Kakaunti lang ang tao sa restaurant na iyon at medyo malayo ang kinaroroonan nila sa