ibang customer ng restaurant na iyon. Nag-umpisa kaagad silang mag-usap na dalawa.
       “Mahal mo ba si Mike Margaret?” tanong agad nito sa kanya.
        “Oo mahal ko si Mike,” deretsong sagot niya dito.
        “Sa tingin ko mahal ka rin naman niya,” tatango-tangong pagpapatuloy nito. “Nagmamahalan nga kayong dalawa. Nakakainggit nga kayo eh,” nanunuyang sabi nito. “Eh ako, ano ba ang nararamdaman mo para sa akin, ano ba ang nararamdaman mo para sa magiging anak ko kay Mike?” madiing tanong nito na tumitig ng deretso sa mga mata niya.
          Natigilan si Margaret sa tinanong nito sa kanya.