Napansin iyon ni Esmeralda kaya nagpatuloy ito. “Ako ang buntis at hindi ikaw Margaret. Sa akin at sa magiging anak ko siya may pananagutan, Margaret. Kaya inuutusan kitang hiwalayan mo na siya!” mando at malakas na bulyaw nito kay Margaret. Napatingin sa kanilang dalawa ang ibang customer ng restaurant.
Pinili niyang maging mahinahon sa kabila nang malakas na pagsigaw nito sa kanya. “Hindi madali ang hinihiling mo Esmeralda, kinakailangan kong pag-isipan ito nang mabuti. Mahal ko si Mike, mahal na mahal, at ayokong mawala siya sa akin,” madiing sagot niya pagkatapos ay tumayo at nagpaalam na dito.