Nang sumunod na araw ay nasa labas ng eskwelhan si Margaret kasama ng ilang mga malalapit niyang kapwa guro at maraming mga batang estudyanteng papauwi na sa kani-kanilang tahanan. Dumating si Mike para sunduin siya. Yinakap siya nito nang marahan.
          “Margaret, mabuti naman at naabutan kita. Gusto sana kitang makausap,” sabi ni Mike sa kanya. Tumango siya kaya hinawakan nito ang isa niyang kamay para maglakad papunta sa kanyang nakaparadang sasakyan. Subalit pagharap na pagharap ng dalawa sa kotse ay tumambad sa kanilang harapan si Esmeralda.