Chapter 9
PAGKAALIS ni Mike sa bahay nina Margaret ay kaagad siyang nagtungo sa tinitirhang apartment ni Esmeralda. Matapos niyang makagarahe ay kaagad siyang kumatok. Si Esmeralda ang nagbukas ng pintuan. "Mabuti naman at naisipan mong puntahan ako rito Mike," salubong kaagad nito sa kanya. Binuksan pa nito ang pintuan para makapasok siya sa loob. Kaagad siya nitong niyayang umupo. Pagkaupo niya ay kaagad itong umupo sa may harapang kanan niya sa pang-isahang sofa. Bumuntong hininga siya bago nag-angat ng ulo para kausapin ito. "Ano ba ang gusto mong mangyari Esmeralda?" tanong niya rito.
"Mike natatandaan mo naman siguro, nang makipaghiwalay ka sa akin ay tinanggap ko iyon ng maluwag