niyo po ako, tito."
"Andoon si Margaret sa may pool. Kausapin mo ang anak ko," utos nito kay Mike. "Kung ako ang tatanungin Mike, walang nagbago. Gusto ko pa ring magpakasal kayo ng anak ko..."
Nakaramdam naman kaagad nang pag-asa si Mike at tahimik na umasa na sana ay ganoon din ang ang sasabihin ni Margaret pag nakausap na siya nito.

Pagkaalis ng Daddy niya ay kaagad na nagtungo sa may pool si Mike para kausapin si Margaret. Nakita kaagad ni Mike si Margaret. Humahagulhol si Margaret. Lumuluhang nakatutop ang isang palad niya sa kanyang bibig. Masasalamin sa mga mata ang matinding sakit na nadarama.