Napansin niya si Mike. Patuloy na lumuluhang napatitig siya sa paglapit nito sa kanya. Ilang sandali lang ay nasa harapan na sila ng isa't isa. Marahang hinawakan nito ang kanyang mga palad. Yinakap siya ni Mike. "Margaret... patawarin mo ako..." madamdaming usal nito.
"Wala kang kasalanan Mike..." sagot niya sa kanyang paghikbi.
Hinigpitan nito ang pagkakayap sa kanya. "Mahal mo pa rin ba ako ha Margaret..."
Walang pag-aalinlangang sumagot kaagad siya. "Mahal pa rin kita Mike... mahal na mahal..." Mahigpit niya itong yinakap. "Pero naguguluhan ako... hindi ko alam kong may karapatan pa ba ako sa iyo... may pananagutan ka na..."