pagkarating nito sa malapit sa may pintuan ay nakita nito ang ama ni Margaret na nakatayo at nakatingin dito. Atubiling lumapit si Mike dito. Sinikap ni Mike na tingnan ito nang tuwid sa mga mata nito. Napansin ni Mike na may alam na ito sa mga nangyari. Lumapit pa ito sa ama ni Margaret. "Tito patawarin niyo po ako... hindi ko inasahan na may mangyayaring ganito..."
       Kalmadong tinapik lang nito ang balikat ni Mike. "Alam ko ang naging buhay mo Mike. Naikwento sa akin lahat iyon ng Daddy mo. Nangyari ito bago mo pa man kayo muling nagkita at nagkasundo ng anak ko. Wala kang dapat ihingi ng paumanhin sa akin Mike."
       Napanatag nang bahagya si Mike sa narinig at nagpasalamat dito. "Marami hong salamat at nauunawaan