Ipinulupot niya ang kanyang kanang braso sa baywang nito at inilakad nang marahan papunta sa eleganteng dining room ng malaking mansion. Pagkarating nila roon ay naghihintay na ang kanilang hapunan. Maraming masasarap na putahe ang inihanda at iniwan sa kanila ni Aling Teodora. Pagkalapit nila sa panglabing-dalawang mesa na gawa sa lumang narra ay maingat na hinatak niya ang isang carbed na upuan na may malambot na sandalan para makaupo na si Margaret. Naupo naman siya sa may uluhan ng mahabang mesa nasa kanan niya si Margaret.
           Mas pinili niyang paupuin ito sa tabi niya kaysa sa paupuin sa kabilang dulo ng mahabang mesa. Mas gusto niyang malapit ito sa kanya para maabot niya ito kung kailan niya gusto. Nagngitian ang dalawa. Pinagmamasdan ang