magagandang mukha ng bawat isa. Nagsimula na silang kumain. Masasarap ang lahat ng luto ni Aling Teodora. Napahanga ang dalawa sa galing nitong magluto. Inikot-ikot muna niya ang champagne sa kanyang baso bago niya ito dahan-dahang ininom. He sipped slowly as he stared on Margaret’s enticing red lips. Napapatitig din si Margaret sa kanya habang nakadikit ang labi niya sa baso.
         “I’m so happy we’re together now Margaret,” sabi niya habang pinupunasan ang kanyang labi ng kanyang panyo.
         “Masaya din ako Mike,” sagot naman nito sa kanya.
         “Alam mo bang kaytagal kong pinagarap ito,” pagtatapat niya. “Akala ko talaga hindi na ito mangyayari pa.”
         Pinagusapan nila sandali ang naging buhay nila habang malayo sila sa isa’t isa. Maging ang mga biyahe nila sa iba’t