ibang bansa ay pinagkwentuhan din nila. Mike and Margaret tried to catch up on each others lives.
Matapos ang kanilang kwentuhan ay nagpasya si Mike na lumipat sa ibang bahagi ng mansion. Nginitian niya si Margaret at ngumiti rin ito pabalik sa kanya. Iniaatras muna niya ang kanyang upuan bago tumayo. Kaagad siyang humakbang papunta sa likuran ni Margaret. “Shall we,” bulong niya. Pagkatapos ay marahang hinatak ang upuan nito paatras. Hawak ang kamay ni Mike na tumayo ito. Muling ipinulupot niya ang kanyang braso sa kanyang beywang at dinala niya ito sa isang bahagi ng mansion na kung saan ginaganap ang sayawan tuwing nagkakaroon ng engrandeng party doon.