Malambot ang mapulang karpet nito. May napakagandang chandelier sa gitna ng kisame nito. May ilang mga mamahaling oil painting ding nakasabit sa dingding. Napakaganda ng kinaroroonan nila para silang nasa isang malaking ballroom sa isang malaking palasyo sa Europa. Inilakad pa ni Mike si Margaret. Napakaganda ng banayad na musikang tumutugtog sa loob nito.   
           Sa gitna ng napakagandang bulwagan ay dahan-dahang isinayaw ni Mike si Margaret. Nakayuko siya nang bahagya at nakapulupot ang dalawang braso sa baywang nito. Napakalambot ng baywang ni Margaret. Nakatingala naman ito sa kanya at nakayakap sa leeg nito. Nararamdaman ni Margaret ang paghinga niya. Nararamdaman din niya ang paghinga ni Margaret. Napakabango nito. Ipinagpatuloy nila