ang kanilang kwentuhan tungkol sa naging buhay nilang dalawa matapos ang maraming taong hindi pagkikibuan. Pagkatapos ay muli nilang ibinalik ang usapan sa kanilang kabataan.
“Parati din tayong sumasayaw noong mga bata pa tayo Margaret,” pagpapaalala pa niya dito habang patuloy niya itong isinasayaw.
“At gustong-gusto ko pag sinasayaw mo ako.”
“At sinisigurado kong ako lang ang maaring makipagsayaw sa iyo sa lahat ng mga parties na dinadaluhan natin noon.”
“Pansin ko nga, nag-iiba kaagad ang ekspresyon ng mukha mo pag may isang binatang lumalapit sa akin para yayain akong sumayaw. Kaya tinatanggihan ko kaagad para hindi ka tuluyang magalit,” sagot naman nito na muling