isinandal ang ulo sa dibdib niya.
“Ayoko kasi talagang may ibang lalaking lalapit sa iyo. Ang gusto ko’y ako lang ang palaging kasama mo, at kasayaw mo.”
Patuloy niya itong isinayaw sa malumanay at magandang tugtog sa likuran nila. “Masaya ka bang magkasayaw at magkalapit tayo ngayon Margaret…” bulong niya rito.
“Oo Mike masayang-masaya ako,” pagtatapat nito. “Katulad ng mga bata pa tayo. Sumasaya ako pag isinasayaw mo ako.”
Napahugot ng hininga si Mike. Dahan-dahan niyang iyinuko ang ulo niya palapit dito. Tumingala rin si Margaret. Muling naglapat ang kanilang mga labi. Humigpit pa ang