pagkakayakap ni Mike kay Margaret. Iniangat ni Mike ang kanyang ulo para muli niyang mapagmasdan ang napakagandang mukha nito.
Pagkatapos ay muli siyang yumuko para muling angkinin ang mga labi nito. Hinalikan niya nang marubdob na marubdob si Margaret. Matagal na magkahinang ang kanilang mga labi. Habang patuloy na hinahalikan ang mga labi nito ay binuhat niya si Margaret sa kanyang mga braso.
Muli niyang iniangat ang kanyang ulo. Tinitigan niya nang mariin ang mga mata nito. Tila may ibig ipahiwatig kay Margaret. Habang buhat-buhat niya ito ay dahan siyang naglakad papalabas ng bulwagan ng mansion. Dahan-dahan niyang inakyat ang kahabaan ng hagdanan. Nakatitig lang sa kanya si Margaret sa buong pagkakataon. Marahang