denims si Mike.
Muli niyang hinintay makababa sa hagdanan si Margaret. Bumaba si Margaret na nakasuot ng isang magandang evening dress. Marahan itong bumaba sa hagdanan. Para itong dyosang bumababa papalapit kay Mike. Napahugot siya ng hininga sa malabis na paghanga niya rito. Nang makalapit na ito ay muli niyang inabot ang isang kamay nito at hinalikan sa malambot na palad nito.
“You look gorgeous Margaret,” puri niya rito.
“And you look dashing and handsome Mike,” puri din nito sa kanya.