nagpapasalamat ako sa iyo. Kasabay ng aking pagpapasalamat ay ang paghingi ko ng kapatawaran sa iyo Mike. Patawarin mo ako Mike. Nagsinungaling at linoko ko kayo ni Margaret. Nang magkaharap tayong tatlo sa bahay ni Margaret ay hindi totoong anim na buwan na ang dinadala ko dahil ang totoo'y pitong buwang buntis na ako noon. Nabuntis ako ng dati kong kasintahan. Ang ipinakita kong medical certificate sa iyo ay hindi totoo. Napilitan lang gawin iyon ng kaibigan kong doktor dahil sa minsan ay natulungan ko siya. Tumatanaw lamang siya nang malaking utang na loob sa akin. Nang magkahiwalay tayo ay nalaman kong buntis na pala ako. Nakakasiguro akong hindi ikaw ang ama noon. Subalit sa galit ko sa lahat