ng mga lalaking nanloko sa akin ay idinamay kita at hindi ko rin itatangging hinangad kong makibahagi sa kayaman mo at ng iyong pamilya. Subalit ngayon ay nagbago na ang lahat. Nag-iba na ang pananaw ko. Dahil sa kabutihan mo sa aming dalawa ng ina ko ay mas gusto ko nang makita na maging masaya ka na rin. Malaya ka na Mike... malaya ka nang mahaling muli si Margaret...  Kayong dalawa ang tunay na nagmamahalan kaya kayo ang karapat-dapat na magkatuluyan. Paalam...

    Humihingi ng iyong kapatawaran,

    Esmeralda