Dear Mike:
Kagabi ay pinag-isipan ko ang maraming mga bagay at dumating ako sa isang pasya. Sa mga nagdaang mga araw ay nakita ko kung gaano ka kabuting tao. Inalagaan mo ang pinakamamahal at may sakit kong ina. Ibinigay mo sa kanya ang pagkalinga na kailan man ay hindi ko nakita sa mga naging kasintahan ko dati. Napakabuti mo Mike. Sa kabila ng iyong kalungkutan sa pagkawalay sa iyo ng pinakamamahal mong si Margaret ay nakuha mo pa ring samahan at damayan ako. Ako na naging sanhi ng mapait ninyong pagkakalayo. Nakita ko kung gaano mo napasaya ang mama ko sa mga huling araw niya sa mundo. Inalagaan mo siya at itinuring na parang sarili mong ina. At dahil diyan ay taos-pusong