Kinuha naman kaagad nito ang panyo nito at iniabot sa kanya. Tinaggap naman niya iyon at marahang pinahid ang kanyang namumuong mga luha. Pagkatapos ay muling may iniabot ito sa kanya.
         “Ano naman iyan?” tanong niya kaagad dito habang nakatingin sa inaabot nito sa kanya.
         Idinikit nito ang papel sa kanang palad niya. Kinuha na lang niya ito. Tumalikod rito at dahan-dahang binuksan ito. Isa iyong liham. Naramdaman niyang muling humakbang ito palapit sa kanya at tinangkang muling yakapin siya. Subalit sinaway kaagad niya ito nang nakatalikod. "Diyan ka lang, huwag kang yayakap sa akin!" Hawak-hawak sa dalawa niyang mga kamay ay sinimulan niyang basahin ang liham na nakasulat gamit ang itim na tinta. Galing iyon kay Esmeralda.