mo ba talaga ako na miss ha Margaret,” sabi nito na kaagad humakbang pa palapit sa kanya. Nagkadikit ang kanilang mga katawan. Napatingala siya rito. Namula ng husto si Margaret. Natawa lalo si Mike sa kanya. “Tingan mo nga iyang mukha mo pulang-pula ka na. Na miss mo nga talaga ako. Nadikit lang ako nang bahagya sa iyo’y nagkakaganyan ka na kaagad. Pagkatapos ay umakmang yayakap ito sa kanya. Subalit kaagad itong umatras at tumalikod dito. Pinigilan naman siya nito kaagad. Hinawakan siya nito sa kamay at marahang pinaharap sa kanya.
        “Mike may asawa ka na, tanggapin na natin hindi na talaga tayo magkakatuluyan pa,” halos naiiyak nang sabi niya rito.