Humogot siya nang hangin saka ngumiti at sinabing pinapatawad na niya si Esmeralda.
Hinawakan ni Mike ang dalawa niyang mga palad at bahagyang nakayukong pinagmasdang mabuti ang napakagandang mukha ni Margaret. "Akala ko kahapon ay talagang hindi na mangyayari pa ito. Akalay ko'y wala na talaga tayong pag-asang magkabalikan pa. At ngayong muli na naman tayong magkasama ay nais ko sanang muling yayain kang magpakasal. "Will you marry me Margaret?"
Sumagot siya kaagad. "Yes, I will marry you Mike."
Nangingiting napailing ito. "Sayang at nakalimutan kong bumili ng bagong singsing para sa iyo Margaret."
Napangiti si Margaret sa sinabi nito at kaagad na