loob ng simbahan papunta sa akin ay kaagad niyang ibinigay ang sulat na iyan sa akin. Pagkalapit naming dalawa sa pareng magkakasal sana sa amin ay kinuha niya ang mikropono at sinabi sa lahat na hindi na matutuloy pa ang kasal naming dalawa. Sinabi niya sa lahat ng naroroon na hindi matutuloy ang kasal dahil hindi siya karapat-dapat para sa akin.
     Hindi na niya linawag ang kadahilan sa loob ng simbahan. Muli siyang lumapit sa akin at humingi nang kapatawaran. Sinabi niyang kapag nabasa ko na ang liham ay mauunawaan ko rin ang lahat. Bago siya tuluyang umalis ay ipinagbilin niyang ihingi ko siya ng tawad sa iyo, Margaret," salaysay nito.