hinawakan at inilabas ang bahagi ng suot-suot na kwentas mula sa loob ng kanyang damit. Nakakabit roon ang napakagandang singsing na ibinigay sa kanya dati nito sa may dalampasigan sa pinakamasayang gabi ng buhay nila.
     Kinalas kaagad niya ito at iniabot kay Mike. Masayang tinaggap nito iyon mula sa kanya at buong-pagmamahal na dahan-dahang isinuot iyon sa palasingsingan niya. "Nakipaghiwalay ka sa akin subalit hindi mo inalis ang simbolo ng pagmamahal ko sa iyo, Margaret," marahang sabi nito naka tingin sa nangungusap niyang mga mata.
      Nakatingala sa lalaking pinakamamahal niya na muli siyang nagsalita. "Oo hindi ko kailan man inalis sa katawan ko ang singsing na ibinigay mo sa akin ng gabing iyon, ang relasyon lang natin ang isinuko ko, pero hindi kailanman ang