first kiss mo ha?” mabilis niyang tanong dito.
                       “Oo first kiss ko iyon,” nakangiting pagtatapat  nito sa kanya.
                        “Margaret,” usal niya. Napahugot siya ng hangin sa malabis na kagalakan. Muli niya itong niyakap subalit iniwasan na muna niyang halikan ito. “Napakasaya ko Margaret!” Pagkatapos ay mabilis na itong tumayo. Muling itinukod ang mga palad sa gilid ni Margaret sa kama at hinalikan ito nang marahan sa labi. “Good night Margaret. I’ll see you tomorrow…”
                      “Good night Mike…” nakatingin sa mga mata niya at may ngiti sa mga labing sagot nito sa kanya.