Chapter 5

         PAGKAGISING ni Margaret ay kaagad itong nag-shower at nagpalit ng damit. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Nagsuklay siya sandali at pagkapos ay lumabas siya ng kwarto at naglakad.    
         Nang mararating ang kwarto ni Mike ay kumatok siya nang marahan, hindi ito nagbukas kaya itinulak niya nang bahagya ang pintuan. Agad niyang nakita na nakahiga pa at natutulog sa kama si Mike. Wala itong suot na damit pang-itaas at natatakpan lamang ng kumot ang baywang at ang mga hita nito. Napangiti siya nang mapatitig sa matipunong dibdib ni Mike. Isasara na sana niyang muli ang pintuan nang biglang magising ito at napasulyap sa kanya. Nginitian kaagad siya nito. Tumayo itong naka-jeans lamang at mabilis na naglakad palapit sa kanya. Kaagad na hinawakan