“Ha,” nanabik na usal niya na parang nauunawaan ang susunod na sasabihin nito. Bigla siyang tumagilid at kaagad ito at pinagmasdan ang nakangiting mukha nito sa tabi niya. “Hindi ka pa nagkaka-boyfriend, Margaret. Ang ibig mong sabihin ay hindi totoo iyong nabalitaan ko ha, dati?”
                      “Oo ano, mali iyong ibinalita sa TV. Nagalit nga ang Daddy at kaagad pinuntahan ang TV station ayon hindi na umulit ang reporter na iyon,” sagot nito. “Kasintahan iyon ng isang malayong pinsan ko ‘no.”
                      Nagliwanag kaagad ang mukha niya. “Talaga Margaret, ang ibig sabihin, iyong kaninang hapon, iyon ang