“Akala ko ba mahal mo ako. Hindi mo na ba ako matatangap nang dahil lang sa magkaanak ako sa ibang babae. Pero alam mo namang nangyari iyon bago pa tayo nagkaroon ng relasyon. Hiwalay na kami ng muli tayong magkita. Kung nakokonsensya kang magpakasal sa akin ng dahil sa bata ay hindi ka dapat makaramdam ng ganoon dahil sinabi ko na naman sa iyong mamahalin ko ang batang iyon. Bibigyan ko siya ng masaya at marangyang buhay Margaret. Maging si Esmeralda ay magiging marangya din ang buhay kasama ang anak ko. Maging ang ama ko ay nasisiguro kong mamahalin at aalagaan din ang anak ko, Margaret. Magiging masaya ang buhay ng magiging anak ko kahit na magpakasal pa tayong dalawa Margaret,” madamdaming paliwanag nito