matang tumingin si Margaret kay Mike. “Mike… mahal na mahal kita at ayokong mawala ka sa akin. Subalit kinakailangan na nating maghiwalay na dalawa.”
Natigilan si Mike sa narinig nito sa kanya. Halos hindi niya makayanan ang sakit na biglang sumigid sa puso niya. “Margaret, pakiusap huwag mo namang sabihin sa akin iyan. Nasasaktan ako sa sinasabi mo.” May luha na sa mga mata nito.
“Nasasaktan din ako Mike, pero kailangan nating gawin ito.” Pilit na pinatatag ang sarili sa harap ng nasasaktan ding si Mike.