na umaasang magbabago ang isip ni Margaret.
       “Alam kong mamahalin mo ang anak mo Mike. Alam kong bibigyan niyo siya ng maganda at marangyang buhay. Subalit hindi ko kayang may masamang mangyari sa anak mo. Sinusugod niya tayo at ineeskandalo sa lahat ng pagkakataon. Papano kung sa ginagawa niyang pagsugod at pag-ieskandalo sa atin ay may mangyaring masama sa anak niyo. Hindi kaya ng konsensya kong may masamang mangyari sa anak mo ng dahil sa akin Mike. Alam mo ba ang naramdaman ko nang makita ko siyang madapa minsan nang hinahabol niya ako para eskandalohin at piliting makipaghiwalay sa iyo, Mike. Para akong pinapatay ng konsensya ko Mike. Ikaw Mike ano ang mararamdaman mo