agad nito. Umupo si Mike sa tabi ni Esmeralda at sinamahang bantayan ang ina. Nalaman niyang may liver cancer ito. Nagtagal pa sa hospital ang ina nito.
        Isang araw dumating si Esmeralda at nadatnan nito si Mike sa tabi ng ina nito na nagbabantay at magiliw na kinakausap ito. Napansin nitong magaan ang loob ng ina nito sa kanya. Nahuhuli nito ang ina na nakangiti habang nakikipag-usap sa kanya. Pagkatapos ay lalapitan ni Esmeralda si Mike para magkasama nilang mabantayan ang may sakit na ina.   
        Nakikita nito ang pagmamalasakit niya para sa ina nito. Nagdadala si Mike ng sari-saring prutas at biskwit para sa matanda subalit hindi na rin ito matikman ng ina nito dahil