sa kalagayan nito. Si Mike na rin ang nakikipag-usap sa mga tumitinging doktor dito. At kaagad namang ibinibigay niya ang lahat ng mga pangangailangan nito at ang mga ipinabibiling gamot para rito.   
          Kapag gabi na at kailangan nang umuwi ni Esmeralda ay ipinahahatid niya ito sa kanilang driver at nagpapaiwan siya upang bantayan at asikasuhin ito. Sa tuwing babalik si Esmeralda sa hospital at nadaratnan nito si Mike na taos pusong inaalagaan ang ina nito ay naantig ang puso nito. Napapahinga ito nang malalim sa nakikitang kabutihan ng puso niya.
        Maging ang ama niya ay nagpakita rin ng pagmamalasakit para sa may sakit na ina nito. Kinakausap