nakita niyang umiiyak ito at yakap-yakap ang ina sa kama nito sa loob ng kwarto nito. Nakaramdam siya ng habag para sa mag-ina. Kaya dahan-dahan siyang lumapit kay Esmeralda. Napalingon ito nang maramdamang bahagyang hinahagod niya ang likod nito para payapain ito. "Dumating ka na pala Mike, pasensya ka na hindi kaagad kita napansin." Ngumiti lang siya rito.
       "Ito ba ang sinasabi mong mapapangasawa mo ha Esmeralda?" tanong ng nanghihina at nakaratay sa kamang ina nito na nakatingin sa bisita nito.
       "Opo ma, ito po si Mike," pagpapakilala ni Esmeralda sa kanya rito.
       "Kumusta na po kayo Tita," magalang na bati niya rito.
       "Ito nakikita mo naman, pero kaya ko ito," sagot naman