naman kaagad siya nito at binigyan ng isang halik sa kanyang labi. Pagkatapos ay sumakay at umupo na kaagad siya sa tabi nito. Nang maisara na ang pintuan ay kaagad pinaandar muli ni Mike ang sasakyan nito. Dumaan itong muli sa nakabukas na gate.
Pagkalampas na pagkalampas nila sa gate ay natigilan sila. May isang taxing biglang humarang sa kanilang dinaraanan. Napaapak kaagad ito sa kanyang break. Tinitigan nito ang nasabing taxi na nakaharang pa rin sa harapan nila. Nag-katinginan sandali ang dalawa sa loob nang sasakyan.
Napakunot ang nuo ni Mike nang makilala ang dilaw na taxi. Natatandaan nitong napansin nitong sumusunod ito rito habang papunta ito sa bahay niya. "Sandali lang mahal,