babain ko lang ito," paalam nito sa kanya.
Pagkababa na pagkababa ni Mike sa sasakyan ay kaagad na bumukas ang pintuan ng taxi. Lumabas ang isang babae. Buntis ito at kaagad itong tumitig kay Mike pagkatapos ay pilit na tinanaw si Margaret sa loob ng sasakyan nito.
"Esmeralda, anong ginagawa mo rito?" tanong kaagad ni Mike sa babae.
Lumabas na rin si Margaret mula sa kotse at lumapit sa tabi ni Mike. Napansin kaagad niya ang pagtitig ng bagong dating na babae sa kanya. Napatitig siya sa tiyan nito. Biglang kinabahan si Margaret. Napatitig siya kay Mike na bahagyang nagtatanong kung ano ang nagyayari. Napansin ni