mga palad. Magpapaliwanag ito. Subalit bago pa man may lumabas na kataga sa kanyang bibig ay tumalikod at luhaang nagtatakbong papasok pabalik si Margaret sa kanilang bakuran.
      "Margaret!" malakas at muling tawag nito. Alalang-alala si Mike. Subalit parang walang  naririnig si Margaret at nagpatuloy sa pagtakbo papasok ng kanilang bahay. Hahabulin sana siya nito subalit kaagad itong hinawakan sa kanang braso ni Esmeralda.
      "Ako muna at ang magiging anak natin ang atupagin mo Mike!" nakatitig ditong mando kay Mike sa matining na boses nito.
      Subalit kinalas ni Mike ang nakahawak na kamay nito