magkasama silang dalawa sa isang hotel. Napalunok ito. Pinagpapawisang napatingin ito kay Margaret. Lumuluhang tumitig siya kay Mike.
Nakataas ang mga kilay na halinhinang pinagmasdan ni Esmeralda ang mga mukha ng dalawa. Kaagad itong may inilabas na papeles at iniabot kay Mike. Nanginginig ang mga kamay na binasa nito ang nilalaman ng papel. Isa itong dokumento na nagsasaad na anim na buwang buntis na ito. Pirmado iyon ng isang Doktor mula sa isang kilalang Hospital.
Inangat ni Mike ang ulo nito at muling tumingin sa lumuluhang si Margaret. "Margaret...." usal nito. Humakbang itong papalapit sa kanya. Hinawakan nito ang dalawa niyang