iparamdam kay Mike ang paghanga niya dito. Sa kakisigan at umaatikabong kagwapohan nito.
Marami sa mga kasing-edad niya noon at maski ang ibang magagandang babae na ilang taon ang tanda sa kanya ay hinihiling sa kanyang ipakilala sila kay Mike. Ayaw niya pero pinapakilala pa rin niya. Natatakot kasi siyang baka may magustuhan itong si Mike sa kanila. Subalit sa tuwing nalalaman niya na walang nagugustuhan si Mike sa kanila at pinipiling siya pa rin ang samahan ay umaapaw kaagad ang kaligayahang nararamdaman ng puso niya. Masaya na siya noong maging kaibigan niya at parating kasama, subalit hindi rin niya maiwasang umasa na sana ay may gusto rin ito sa kanya.