her, for he always made sure that he treated her with respect all the time.
“Ibang-iba ka na ngayon Margaret, napakaganda na ng katawan mo. Hindi ka na talaga bata. Kaya hindi na ako mahihiyang tumititig sa iyo. Hindi katulad ng dati kailangan kitang irespeto ka masyado kasi batang-bata ka pa noon. Iniiwasan kong titigan ka masyado baka mailang ka sa akin,” pagtatapat nito habang patuloy sa pagtitig sa kabuuan niya.
“Napapansin ko nga iyon, parang nahihiya kang tumingin sa akin noon pag naka-shorts ako,” sabi lang niya rito na lalo pang kinikilig dahil sa nakikita niyang pagkamangha at paghanga sa kanya ni Mike. At natutuwa siyang na ngayon ay pwedeng-pwede na rin niyang ipakita at