mo iyon. At napag-usapan natin na pag kinakailangan na nating maghiwalay ay tatanggapin natin pareho iyon nang maluwag sa dibdib. At saka nang makipaghiwalay ako sa iyo ay ni hindi pa kami muling nagkikita noon ni Margaret. Kaya pakiusap ayusin mo ang pananalita mo kay Margart. Wala siyang ginawang anumang kamalian sa iyo."
      Ngumiti lang ito at muling nagpatuloy. "Wala ka bang napapansin ha Mike?" tanong nito na nakatitig kay Mike pagkatapos ay bumaling kay Margaret. "Buntis ako at ikaw ang ama!"
      Parang may sumabog na bomba sa pandinig ni Mike. Nanlamig ang buo nitong katawan. Nag-aalangan at natatakot