Lumipas ang ilang sandali. “Nauunawaan ko Margaret…” usal niya at binigyan ng isang magaang halik at yakap si Margaret.
                   Muli siyang nahiga sa tabi nito. Nagkasya na muna siyang hawakan na lang ang isang palad nito sa tabi niya.
                   “Margaret…” bulong niya sa tabi nito habang mariin na nakatingin sa kisami.
                    “Mike….” marahang sagot nito sa kanya na gustong malaman kung ano ang nasa isip niya.
                    “Minahal mo ba ang naging boyfriend mo dati…?” tanong niya habang humhinga nang marahan.
                    “Boyfriend…. sinong boyfriend?” tanong nito sa kanya.