Subalit hindi pa rin pumayag si Mike na makipaghiwalay sa kanya. Sinabi nitong naguguluhan lang siya. Sinabi ni Mike na muli itong babalik para sila’y muling magkausap ni Margaret. Subalit simula sa araw na iyon ay sinimulan na siyang muling iwasan ni Margaret. Sa tuwing pupuntahan siya nito sa paaralan ay hindi na niya ito kinakausap pa. At kapag nagpupunta ito ng bahay nila at pinapapasok ng kanyang ama ay hindi na rin bumababa pa si Margaret mula sa kanyang kwarto.
Nadudurog ang puso ni Margaret sa ginagawa niyang pag-iwas kay Mike at lalo pa siyang nakakaramdam ng sakit at pait sa kanyang dibdib sa tuwing nakikita niyang labis na