Just Us                                                                                                          Back to Homepage                                          
                                                             Chapter 1

       DINALAW ng kanyang ama si Albert sa kanyang sariling bahay. Naupo silang magkaharap sa kanyang sala.
       “Mabuti nama’t naabutan mo pa ako rito sa bahay ko Dad,” nakangiting sabi niya
sa kanyang amang si Don Enrique.
       “Oo nga, mabuti’t naabutan kita rito,” sagot nito sa kanya na nakatingin sa kanya. “Alam mo Mike tumatanda na rin ako, at alam mo namang matagal ko nang gustong magka-apo.”
       “Alam ko Dad,” ngiti-ngiting sagot nito sa ama niya.
       “Thirty years old ka na at napatunayan mo na sa akin at 


sa maraming tao kung gaano ka kagaling sa pagnenegosyo. Napakasuccessful mo na Albert.”
       “Alam ko rin iyan Dad,” ngiti-ngiting muling sagot niya rito.
        Nginitian din siya ng ama niya. “Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nag-aasawa.”
.       “Wala pa ho talaga sa plano ko iyan Dad, isa pa marami pa akong mga plano para sa ating mga kompanya,” sagot niya rito.
        “Poro ka na lang trabaho. Wala ka nang inisip kundi ang palaguin ang mga negosyo natin. Trabaho ka nang trabaho eh wala ka namang pamilyang pinaglalaanan ng lahat ng mga kayamanan mo. Kanino mo ba balak ipamana iyang lahat ng mga ari-arian mo, sa akin ha?” nangingiting tanong nito sa 


pinakamamahal na anak.
        Napahalakhak si Mike sa tinuran ng ama niya. “Daddy talaga oo,” sabi lang niya dito.
        “Ito talaga ang pakay ko sa iyo,” sabi nito.
“Alam mo namang may napupusuan na akong mapangasawa mo. Noong biente-tres ka at nagtratrabaho ka na sa kumpanya natin ay hiniling ko sa iyo na pakasalan mo na ang anak ng matalik kong kaibigang si Marjorie. Tumanggi ka at sinabi mong gusto mo munang mag-focus sa trabaho, sa mga negosyo natin. Pinagbigyan kita at nerespeto ko ang desisyon mo. Mula nga noon ay hindi ko na ito muling binanggit pa sa iyo. Subalit ngayon, sabi ko na nga kanina, wala ka nang dapat patunayan pa anak. Pagbigyan mo na ako anak. Puntahan mo 


si Margaret. Subukan mo lang na ilabas siya, mag-date kayo. Saka di hamak namang mas maganda si Margaret kaysa sa sinumang naging girlfriend mo ah. Pagbigyan mo na ako anak. Pangako ko pag hindi mo pa rin
siya nagustuhan matapos niyong magkasama ay hindi na kita kukulitin pang pakasalan ito,” seryosong-seryosong pagtatapos nito.
         Tinitigan niya nang mariin ang ama niya. Nag-isip sandali at saka muling nagsalita. “Sigi po Dad. Gagawin ko ang kahilingan niyo. Pero pagkatapos at hindi kami nagkasundo ay hindi niyo na muli pang ipipilit sa akin iyang kagustuhan mo,” mahinahong sabi nito sa ama niya na nakatingin dito.
         Kaagad na napangiti ang ama niya sa tinuran niya. “Mabuti kung ganoon anak,” natutuwang sabi nito sa kanya. 


Pagkatapos ay itinukod nito ang kanang kamay sa sofa at tumayo.
         “O, saan na po kayo pupunta Dad. Ayaw mo ba munang magtagal rito at samahan akong mag-lunch ha?” biglang tanong niya sa ama nang tumayo ito.
         “Hindi aalis na ako, para makapaghanda ka na agad sa pagkikita niyo ni Margaret, tutal lingo naman ngayon at wala kang trabaho,” nangingiting sagot nito sa kanya. Dahan-dahan na kaagad itong nagtungo sa pintuan at nang mabuksan na nito ito ay muling liningon ang anak. “Pagbutihan mo anak at nang magka-apo na ako,” ngisi-ngising pagtatapos nito saka tuluyang lumabas at iniwan si Mike sa kanyang pamamahay.
        Pagkaalis ng kanyang ama ay nagtungo si Mike sa 


kanyang kwarto. Dahan-dahan niyang nilapitan ang kanyang malaking kama. Nahiga siya sa gitna nito. Inilagay at inunan niya ang kanang palad nito sa ibabaw ng kanyang unan. Nakatitig siya sa kanyang kisami, nag-isip isip.

        Matalik na magkaibigan ang mga pamilya nila ni Margaret. Mga bata pa sila ay magkaibigang-magkaibigan na sila. Ang huli nilang masayang pagsasama ay noong nineteen years old siya at fourteen years old naman itong si Margaret. Katatapos lang nilang dalawang mag-usap at maglaro ng table tennis sa malawak na hardin nina Margaret. Pupuntahan nila ang kani-kanilang mga ina sa balkonahe upang humingi sana ng mamemerienda nilang dalawa. Ang ina ni Mike ay nagngangalang Donya Clara samantalang 


Donya Marita naman ang pangalan ng ina ni Margaret.
        Pagkaakyat nila pareho sa ikalawang palapag ay magkasama silang naglakad papunta sa may balkonahe. Naroon kasi ang mga ina nila na
matalik na matalik na magkaibigan magmula pa ng mga bata pa ang mga ito. Nagngingitiang naglalakad ang dalawa papunta sa kanilang mga minamahal na mga ina ng marinig nila ang pag-uusap ng mga ito.
        Kapwa nila narinig at nalaman na may plano pala ang mga magulang nila na ipakasal silang dalawa pagdating ng panahon. At magmula sa araw na iyon ay napansin ni Mike ang palagiang pag-iwas sa kanya ni Margaret. Sa tuwing bumabalik siya kasama ang kanyang ina para dalawin silang dalawa ay kadalasang hindi bumababa si Margaret. At sa